Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.



Ang pagkatao ay kabuuan ng angkop na pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos na nararapat at naaayon sa tao. Ang pagkatao ay naipakikita sa pakikipagkapuwa o pakikipamuhay sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagmamahal. Ang pagpapakatao ay nangangailangan ng mga kaalaman at kakayahan para sa angkop na pakikipag-ugnayan sa sarili at sa kapuwa. Ang panahon ng iyong pagkabata ang sinasabing may pinakamalakas na epekto ng anumang impluwensiya ng iyong magulang. Mabuti man o masama ang impluwensiya, ang pamilya ay mahalaga sa paglinang ng pagkatao habang bata ka pa. Ito ay sa dahilang ang iyong kamusmusan ay madali pang hubugin sa mga bagong kaalaman at kakayahan. Higit na mahaba ang ginugugol mong panahon kasama ang iyong mga magulang kaysa sa panahong ikaw ay mawawalay sa iyong pamilya sa panahon ng pag-aaral at pagpasok sa trabaho sa hinaharap. Maliban sa pagtugon ng mga magulang sa mga pisikal at emosyonal na pangangailangan ng mga anak, may layunin din silang palakihin ang mga bata na magkaroon ng mabuting sistema ng pagpapahalaga. Malaki ang impluwensiya ng iyong mga magulang, nakatatandang kapatid, o nagisnang nagpapalaki sa iyo. Halimbawa, kung sila ay maasikaso sa inyong pangangailangan, makakagawian mo rin ang maging maasikaso sa iyong kapuwa. Kung ang iyong pamilya ay relihiyoso, paladasal, palasimba, matulungin sa mahihirap, o maawain, malamang malilinang mo rin sa iyong pagkatao ang mga pagpapahalagang ito. May posibilidad din na gagawin mo ito sa iyong kapuwa at magiging pamilya sa hinaharap. Habang bata ka at nasa tahanan kasama ang iyong pamilya, sana ay bukas-loob mong tanggapin ang kanilang mabubuting pangangaral at halimbawa. Ang anumang pagkakamali o di-mabuting halimbawa ay sikapin mong pamahalaan. Unawain mo rin na ang iyong mga magulang ay maaari ring magkamali, dahil siguro sa kakulangan ng kasanayang magturo at magpalaki sa kanilang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang haba ng panahon at mabuting pagkatuto ng mga pagpapahalaga sa gabay ng iyong mga magulang habang bata ka pa


Mag bigay ng limang bagong kaalaman sa iyong natutunan.​