.B. Panuto: Tukuyin kung PORMAL, DI-PORMAL o LIHAM ang mga sumusunod. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1._____
Ginoo,
Nais ko po sanang imungkahi na mabigyan ng sapat na panahon ang bawa
mamamayan na makapaghanap ng pansamantalang malilipatan bago paalisin sa
kanilang lugar upang hindi sila maging pakalat-kalat sa kalye at lansangan.
Nawa’y inyong mabigyan ng katugunan ang aming kahilingan.
Maraming Salamat po
2._____
Maaari rin naman pong monthly basis ang pagbayad sa halagang Phh 750.00 bawat
buwan sa loob ng isang taon.
Kontakin lamang po si Sir Dave para sa iba pang detalye at katanungan.
3._____
Malaking tulong ang pagkakaroon ng pamahalaan na sinimulan noong unang
panahon. Ang institusyon na ito ang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
na panatilihin ang katahimikan at kaayusan ng bansa. Pinamumunuan ang
pamahalaan ng mga taong pinili, inihalal o pianagkalooban ng kapangyarihan ng ?
nakararaming mamamayan upang mangasiwa o maglingkod sa bayan. Mahalaga sa
isang bansa ang pamahalaan. Kailangan ito ng mamamayan upang magkaroon ng
mga batas at tuntunin na dapat sundin para mapangalagaan ang kapanatagan at ari-
arian ng mga tao. Ang pagpapairal ng katarungan at kapayapaan ay ginagampanan
ng namumuno ng pamahalaan tungo sa pag-unlad at pagsulong ng mga panlipunan,
pangkabuhayan, pulitikal at pangkulturang kalagayan. Maraming ginagawang
paglilingkod ang pamahalaan para sa kagalingan at kaayusan ng pamumuhay ng
bawat tao
4._____
Ang mga unang Pilipino na nakatira sa tabi ng ilog at dagat ay pangingisda ang
ikinabubuhay. Nakahuhuli sila rito ng iba’t-ibang uri ng isda. Karaniwang ginagamit nila
ang sibat, salakab, bingwit, buslo at lambat. Bukod sa panghuhuli ng isda, ang mga
unang Pilipino ay nanguha rin ng mga kabibi at halamang dagat, ang iba naman ay
nanisid ng perlas. Ginamit nila itong pamalit sa mga kalakal ng mga mandarayuhang
Tsino, Hapon at Arabe. Ginagamit din ng mga unang Pilipino ang mga ilog at dagat
bilang daungan. Sa ngayon ang Maynila, Cebu at Butuan sa Mindanao ang sentro ng
kalakalan sa tabi ng dagat.
5._____
Matalik kong kaibigan,
Brgy. Calaoan, Sta. Cruz Ilocos Sur
Ika-17 ng Oktubre, 2019s
Ipagpaumanhin mo ang aking madalang na pagsulat ito ay dahil sa masyadong
akong abala sa aking pag-aaral. Alam kong ikaw rin ay abala sa iyong pag-aaral at isa
pa, naibalita mo sa aking kasapi sa bilang manunulat ng inyong pahayagan
Ayos naman dito, wala pa ring nagbabago. Malapit na nga pala ang piyesta.
Makauwi ka sana. Balak nga pala ng ating mga kaklase na magkaroon tayo ng reunion
sa aming bahay sa darating na piyesta. Sana makauwi ka at magkita-kita tayong muli.
Siyempre, hinding-hindi mawawala ang mahabang-mahabang nating kwentuhang
magkakaklase. Ang batch lang ‘ata natin ang may magandang pagsasamahan di ba?
Alam kong sasang-ayon ka sa akin. O sige na, pasensya ka na kung medyo maikli ang
liham ko. Gusto ko lamang kitang kamustahin at ipaalam din na ayos naman ditto sa
ating lugar.
Ang matapat mong kaibigan,
Rowena Mendol