Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan
ang karagatan at duplo .Tinatawag itong tulang padula sapagkat
ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag
din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay
o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Alamin
natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang sariling
pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan.