Unlapi- Ang unlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
mahusay
palabiro
tag-ulan
umasa
makatao
may-ari
Gitlapi- ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang gitlapi sa Filipino ay -in- at -um-.
Mga halimbawa:
lumakad
pumunta
binasa
sumamba
tinalon
sinagot
Hulapi- ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang hulapi sa Filipino ay -an, -han, -in, at -hin.
Mag halimbawa:
talaan
batuhan
sulatan
aralin
punahin
habulin