IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Kakapusan:
Ang kakapusan ay maituturing na isang suliraning panlipunan ayon sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Sapagkat ang kakapusan ay tumutukoy sa kalagayan kung saan ang pinagkukunang - yaman ay hindi sapat upang tugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao na siyang bumubuo sa lipunan. Bukod dito, ang lipunan din ang kumikilala at nagtatakda ng mga likas na yaman na siyang tutugon sa kanilang mga pangangailangan.
- Sapagkat ang pangangailangan ng tao ay walang hanggan at ang kanilang kagustuhan ay madalas na nangingibabaw, kinakailangan na mapamahalaan ng tama ang kakapusan upang hindi mauwi sa pagkaubos ng likas na yaman at malawakang kahirapan ng lipunan.
- Sapagkat ang lipunan ang direktang konsyumer ng mga produkto at serbisyo na ginagawa gamit ang mga likas na yaman ng bansa. Sa pamamagitan ng masusing pag aaral kung ano ang mga produkto at serbisyong gagawin, paano makakarating sa kanila ang mga produkto at serbisyong ito, malaki ang posibilidad na hindi magkaroon ng kakapusan.
- Sapagkat ang lipunan ang siya ring gumagamit ng likas na yaman, kinakailangan na maunawaan nila ang hangganan ng mga ito upang ang mga ito ay magamit ng tama sa pamumuhunan, makasabay ng teknolohiya, at makaisip ng mga epektibong pamamaraan nang sa gayon ay mas mapalawak ang paggamit ng mga naturang likas na yaman.
- Sapagkat ang lipunan ang nagtatakda ng trade off at opportunity cost. Ang lipunan ang kumikilala sa mga bagay na maaaring isakripisyo para sa kabutihan ng mas nakararami. Ito ay ang eksaktong layunin ng trade off. Bukod dito, ang lipunan din ang nagtatakda ng mga opportunity cost o halaga ng mga bagay na ipinagpalit o isinakripisyo sa trade off.
- Sapagkat ang lipunan ang direktang naaapektuhan ng kakulangan ng supply na karaniwang bunga ng hoarding at ng malawakang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Anumang bagay na may kinalaman sa kakapusan ay mararamdaman ng lipunan sapagkat sila ang direktang konsyumer na lumalaro sa ekonomiya upang hindi mauwi sa tapos at pag aaksaya ang lahat.
Upang higit na maunawaan ang ibig sabihin ng kakapusan, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/156400
https://brainly.ph/question/1478305
https://brainly.ph/question/135488
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.