Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

may talinto ba ang bawat tao?pangatwiran

Sagot :

Ang Talino ng Talento ng Tao

Ang tao ang kinikilalang pinakamahusay na umiiral na "makina" sa buong uniberso. Nasabi nila ito dahil sa angking katalinuhan ng isip ng tao kumpara sa anumang may buhay at makapangayarihang nilalang dito sa pisikal na uniberso. Kaya oo, may talino ang tao anupat may iba't-ibang kakayahan at katangian ng talento ng tao. Alamin natin ito.

Kilala mo ba ang napaulat na pinakamatalinong tao sa lupa? Basahin ito sa https://brainly.ph/question/225277.

Ang pagkakagamit sa talento

Ang talino ay tumutukoy sa talas ng isip at ang kakayahan nitong gumana, makagawa ng imbensyon, produkto, ideya man ito serbisyo. Ang kakayahan ng tao na maunawaan ang kapaligiran maging sa labas ng Lupa ay isang pambihira at hindi kailanman ay hindi magagawa ng hayop, halaman at mga pisikal na bagay sa uniberso.

  1. Ang tao ay may kakayahang makakuha, mag-imbak at gamitin ang impormasyon.
  2. Ang tao ay may kakayahang makaunawa ng mga ideolohiya at matataas na moral na pamanatayan.
  3. Ang tao ay may kakayahang makita ang espirituwal na mga bagay.
  4. Ang tao ay may kakayahang makipagkomunikasyon sa mga hindi nagsasalita at hind nakikita.
  5. Ang tao ay may kakayahang gumawa ng mga bagay-bagay.

Isang espesyal at sento ng talino ng tao ay ang pagkaunawa sa mga espirituwal na mga bagay gaya ng pananalangin. Basahin ito sa https://brainly.ph/question/926942.

Pero ang talino ay hindi magiging produktibo kung gagamitin ito sa mali at makasariling hakbang. Pag-isipan ito:

  • Matalino bang masasabi na ang naimbentong eroplano para sa mabilis na transportasyon ay gagamitin din nang pasabugin ang Hiroshima Japan?
  • Matalino bang masasabi na ang kalayaang magpasiya ng tao ay gamitin upang alisin ang mataas na moralidad gaya ng sa sekso at pag-aasawa?
  • Matalino bang masasabi na ang mga impormasyong nakukuha ng tao mula sa hayop at halaman ay gagamitin sa komersyo at babayaran ng tao bilang kapalit?

Ano ang ibig sabihin ng moralidad? Basahin sa https://brainly.ph/question/2022505.

Tunay nga na ang talento ng tao ay masasabing nagagamit ayon sa pagkakagamit depende sa gumawa dito. Isang manunulat ng Bibliya, si Jeremias, ang nagbigay ng konklusyon. Sinabi niya sa Jeremias 10:23, "Alam na alam ko, O Jehova, na ang landasin ng isang tao ay hindi sa kaniya.  Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid man lang ang sarili niyang hakbang."

Maliwanag, iba ang talino sa karunungan. Ang talento ay ang kaalaman. Ngunit ang karunungan ay ang kakayahang gamitin ng tao ang kaniyang talino sa mabuting paraan.