Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Puipino
Ano ang Nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa
bansang England noong noong ika-18 siglo kung saan
ang
pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa
bansang pinagmulan o sinilangan (Gabuat et al. 2016). Ito ay ipinamalas
ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng kolonyalismong
Espanyol na kung saan buong tapang nilang nilabanan ang mga
mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at
kasanayan. Ang mga pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa
Pilipinas ay nagtulak sa mga Pilipino upang mag-alsa at magsagawa ng
pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Tinutulan ng mga Pilipino ang
mga maling pamamalakad at pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga
pinunong Espanyol. Ang mga mapang-abusong patakaran at mga
kaganapan sa loob ng bansa ay nagpaigting sa kamalayan ng mga
Pilipino na kumawala sa kapangyarihan ng Espanya at magsagawa ng
mga pag-aalsa at pakikipaglaban. Ang ipinamalas na kagitingan sa
pakikipaglaban ng mga Pilipino ay nagpamalas ng matinding
pagmamahal sa bayan. Ang pagnanais na muling maibalik ang nawalang
kalayaan laban sa mga mananakop na Espanyol at muling mamuhay ng
payapa at may dangal maging kapalit man ito ng kanilang sariling mga
buhay ay sadyang hindi matatawaran.
Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang
papel.
1. Ano ang nasyonalismo?
2.
Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa
mga sinaunang Pilipino?
3.
Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang Pilipino nang kanilang
kalabanin ang mga mananakop na Espanyol​

Sagot :

Answer:

1.Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganapsa bansang England noong ika-18 na siglo

Step-by-step explanation:

number 1 lng PO Ang kaya Kung sagutin e

Answer:

1. Ano ang nasyonalismo?

-Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa bansang England noong noong ika-18 siglo kung saan ang

pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan

2.Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino?

-Ang mga mapang-abusong patakaran at mga kaganapan sa loob ng bansa ay nagpaigting sa kamalayan ng mga Pilipino na kumawala sa kapangyarihan ng Espanya at magsagawa ng

mga pag-aalsa at pakikipaglaban.

3.Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang Pilipino nang kanilang kalabanin ang mga mananakop na Espanyol?

-lpinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng kolonyalismong

Espanyol na kung saan buong tapang nilang nilabanan ang mga mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at

kasanayan.

#Carryonlearning