Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Ang pagiging matapat na siguro ang pinakamagandang ugaling naka-sanayan ng tao. Tinuturuan ka nito kung paano maging totoo sa mga taong nakapaligid sayo. Inilalayo ka rin nito sa anumang uri ng kapahamakan. Sabi nga “Ang pag-sasama ng tapat ay pag-sasama ng maluwat”, mula dito ang nakabubuo tayo ng isang magandang komunidad at pag-katao. Gaano ba talaga kahalaga ang pagigiging matapat? At ano ang kailangan mong gawin upang maging matapat sa mga taong nakapaligid sa iyo?
Lubhang napakaganda ng salitang katapatan, mula dito tayo ay nakalalaya tayo sa anong mang bagay na bumabagabag sa atin. Ito rin ang dahilan kung bakit pa tayo nag-mamahal, kung bakit natin nasasaktan ang isang tao. Mag-shashare ako ng story, Nung bata kasi ako mahilig akong kumuha ng barya kay mama hanggang sa dumating na gustong-gusto ko mag laro pero kailangan ko ng pera, kinuha ko yung barya sa Sto. Nino namin in short nangupit ako. Nalaman ni mama yun pinagalitan nya ako, ginulpi, pinaluhod, hinampas ng wire at pinatuluan ng kandila, dahil sa nag-sinungaling ako. Then nangupit ako tapos tinanong nya ako kung ako ba talaga ang gumawa nun, sabi ko oo ang ginawa nya ay pinag-sabihan ako at tapos at biglang nag flashback ang lahat ng bagay sa isip ko, kung nung una palang ay nag-sabi na ako ng totoo edi hindi sana ako nagulpi at sinigawan. Doon ko nalaman ang kahalagahan ng pagiging matapat.
Paano nga bang maging tapat sa mga taong nakapaligid sayo? Kung ako ang tatanungin ay napaka-simple, edi maging totoo ka. Halimbawa may amoy yung kaklase mo, hindi naman yung totoong-totoo yung pag-sisigawan mo sa lahat, kausapin mo sya ng kayo lang dalawa para malaman nya at gawan nya na ng solusyon. And be true to your self, dapat maging totoo ka rin sa sarili mo hindi lang sa ibang tao. Tandaan na ang pag-babago ay palaging nag-sisimula sa iyo.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.