IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

ibigay ang kahulugan at halimbawa ng pang-abay na pamanahon at panlunan

Sagot :

Ang pang-abay na pamanahon ay nagtutukoy sa oras o panahon ng isang bagay. Ito ay sumasagot sa tanong na "kailan?".

Halimbawa:

Bukas ang kaarawan ko.

May pagsusulit kami sa Lunes.

Bibigyan ko ng regalo si Maria sa Disyembre.


Ang pang-abay na panlunan ay nagtutukoy sa pook o lugar kung saan ang isang kilos ay nangyari. Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?"

Halimbawa:

Bibili ako ng maraming prutas sa palengke.

Doon ako matutulog sa bahay ng aking matalik na kaibigan.

Nagkita kami ni Ben sa parke.