IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
FILIPINO
KATANUNGAN:
Mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao ay tinatawag na?
KASAGUTAN:
»» Panghalip
(Panghalip Panao)
Ang Panghalip ay ang mga salita na inihahalili o ipinapalit sa isang ngalan ng isang tao, bagay, hayop, at lugar.
KARAGDAGANG KAALAMAN
May apat na uri ng Panghalip:
Panghalip Panao
Panghalip Pananong
Panghalip Pamatlig
Panghalip Panaklaw
Ngunit, ang uri ng tinutukoy na Panghalip sa tanong ay ang Panghalip Panao.
Narito ang ilang halimbawa ng Panghalip Panao:
Siya
»» Si Mama ang nagluto ng hapunan namin at siya rin ang naghugas ng mga plato.
Sila
»» Ang grupo ni Krei ang nanalo, sila rin ang naging pambato ng paaralan.
#HaveDeepReverenceOnModsAndAdmins
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.