Ayon sa kanyang sanaysay, ang mga konsepto ng mga bagay ay nasa isipan na
ng tao mula kapanganakan. Kakailanganin lamang na gamitin ang
pangangatwiran upang sila’y matuklasan.
Reaksyon:
Ang taong bulag sa katotohanan ay isang
bilanggo sa mundo ng kamangmangan. Tulad ng binanggit ni Plato,
kakailanganin nating gamitin ang ating isipan upang matuklasan ang tunay
na kaanyuan ng mga bagay-bagay sa mundong ating kinabibilangan.