IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

mga halimbawa ng kwento na may mga ginamit na pang-uri

Sagot :

Pang - Uri

Pang - uri ay mga salitang naglalarawan. Ang inilalarawan ay maaring pangngalan, panghalip, o pandiwa. Nagsasabi ng dami at kaanyuan. Ang mga maikling kwento ay gumagamit ng mga pang - uri upang higit na mapatingkad ang tauhan sa kwento. Ang mga pang - uri din ang naglalarawan ng tagpuan, tema, at pangyayari sa kwento.

Halimbawa ng Kwento na may Pang - uri:

  1. Ang Mahiwagang Singsing ni Reyna Marikit
  2. Ang Bahay na Napalilibutan ng Pader
  3. Ang Ating Likas na mga Palatandaan
  4. Ang Engkantada ng Makulot
  5. Ang Matalinong Pintor
  6. Bakit Mataas ang Langit?
  7. Dalawang Lapis
  8. Kapuri - puring Bata
  9. Matapat na Bayani
  10. Reynang Matapat

Ang mga salitang may salungguhit sa bawat pamagat ng mga kwentong nabanggit ay mga pang - uri. Sa mga pamagat na iyan ay may mga inilalarawan. Halimbawa, sa unang bilang ang pang - uri ay mahiwaga at marikit. Samantalang ang inilalarawan ay ang singsing at ang reyna.

Sa ikalawang bilang ang pang - uri ay napalilibutan at ang inilalarawan ay ang bahay.

Sa ikatlong bilang ang pang - uri ay likas at ang inilalarawan ay mga palatandaan.

Sa ikaapat ang pang - uri ay makulot at ang inilalarawan ay ang engkantada.

Sa ikalima ang pang - uri ay matalino na naglalarawan sa pintor.

Sa ikaanim ang pang - uri ay mataas na naglalarawan sa lanit.

Sa ikapito ang pang - uri ay dalawa na naglalarawan ng bilang ng lapis.

Sa ikawalo ang pang - uri ay kapuri - puri na naglalarawan sa bata.

Sa ika - siyam at panghuling bilang ang pang - uri ay matapat na naglalarawan sa bayani at reyna.

Ano ang pang - uri at mga halimbawa nito: https://brainly.ph/question/1857553

https://brainly.ph/question/231158

#LearnWithBrainly