Ang kasabihan at salawikain ay magkapareho lamang.
Kasabihan/salawikain:
Kung hindi ukol, hindi bubukol-ang suwerte sa buhay ay huwag laging asahang makakamtan kung hindi talaga ito nakalaan para sa'yo.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
-Sa
tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng
maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang
huli ay
hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila
ay talagang
nakalaan para sa isa't-isa.
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
-Kung
minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.
At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may
sala.
Sawikain:
balat-sibuyas-maramdamin
taingang-kawali-nagbibingi-bingihan
alilang-kanin-aliping walang sweldo/bayad,utusang pinakakain at pabahay lamang