Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Pang-angkop at mga Halimbawa
Kahulugan ng Pang-angkop
Pang-angkop -ay ang mga katagang nagdudugtong o nag-uugnay sa mga magkakasunod na salita upang makabuo ng makatwirang pangungusap. Ginagamit ang mga pang-angkop upang mapadali o mapagaan ang pagbigkas sa mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika.
Kahulugan ng pang-angkop https://brainly.ph/question/188412
3 Uri ng Pang-angkop
May 3 uri ng pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita, ito ay ang mga katagang "na", "ng" at "g".
- Pang-angkop na ''na''
Ang pang-angkop na ''na'' ay nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N. Sinusulat ito na magkahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''na'' sa Pangungusap
- Ang malinis na hangarin sa kapwa ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao.
- Lumalim ang kanilang samahan na nagsimula noong sila ay musmus pa.
- Matagal na panahon ang kanyang ginugol bago niya nakamit ang pangarap sa kanyang pamilya.
- Pang-angkop na ''ng''
Ang Pang-angkop na ''ng'' ay nag-uugnay ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Ang pang-angkop na ito ay karugtong at hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''ng'' sa Pangungusap
- Ang malaking balakid sa pag-unlad ng Pilipinas ay kahirapan at katiwalian ng mga ilang opisyal ng gobyerno.
- Ang pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain.
- Lumang-luma na ang kanyang sapatos sa kagagamit araw-araw.
- Pang-angkop na ''g''
Ang Pang-angkop na ''g'' ay ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n. Ang pang-angkop na ito ay karugtong at hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''g'' sa Pangungusap
- Ang masunuring anak ay kinagigiliwan ng mga magulang.
- Lahat ng bibilhin ay makikita sa pamilihang bayan.
- Halamang gamot ang kailangan sa kanyang sugat upang gumaling agad.
Mga iba pang Halimbawa ng pang-angkop https://brainly.ph/question/110420
Anong kahulugan ng pang-angkop at halimbawa https://brainly.ph/question/327238
Pang - angkop:
Ang halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng pang - angkop ay:
- Ang mapagmahal na anak ay hindi kailanman gagawa ng mali na ikasasama ng loob ng kanyang mga magulang sapagkat lagi niyang hangad na masuklian ang pagsisikap ng mga ito.
Ang pangungusap na "Ang mapagmahal na anak ay hindi kailanman gagawa ng mali na ikasasama ng loob ng kanyang mga magulang sapagkat lagi niyang hangad na masuklian ang pagsisikap ng mga ito." ay nagtataglay ng mga pang - angkop na ng at na.
Kahulugan:
Ang pang - angkop ay isang uri ng pang - ugnay at bahagi ng pananalita na nag - uugnay sa panuring at salitang tinuturingan o ng katagang naglalarawan at ng inilalarawan. Ang layunin sa paggamit ng pang - angkop ay gawing kaaya-aya ang pagbigkas ng mga salitang pinag - uugnay at maipakita ang ugnayang panggramatika.
Tatlong Uri:
- na
- ng
- g
Ang pang - angkop na na ay ginagamit kapag ang unang kataga ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito ikinakabit sa unang kataga bagkus ito ay inihihiwalay at pumapagitna sa katagang inilalarawan at ng panuring.
Mga Halimbawa:
- "Narito ako upang kilalanin ang mapagmahal na asawa ni Doktor Maximo Aranza, si Ginang Elizabeth Aranza."
- Si Rudy ay isang masipag na manggagawa ng sangay ng pamahalaan.
- "Matagal na panahon ko na ring hindi nakita ang bayan ng San Diego", wika ni Crisostomo Ibarra.
- Tunghayan ang makulay na buhay ng mga artista sa palabas na Tunay na Buhay.
- Sikat na mang - aawit si Donna Cruz bago pa siya nagkaroon ng sariling pamilya sa Cebu,
Ang pang - angkop na ng ay ginagamit kapag ang unang kataga ay nagtatapos sa mga patinig. Taliwas sa pang - angkop na na, ito ay ikinakabit sa unang kataga.
Mga Halimbawa:
- Ang awiting pusong bato ay sumikat na noon pa man.
- "Isa sa mga paborito kong kwento ni lola Meding ay ang tungkol sa matalinong matsing".
- Ang bagong pag - ibig ang nagbigay ng inspirasyon kay Ana na bumangong muli.
- Ang Pilipinas ay isang malayang bansa.
- Ang mga Pilipino ay madamdaming umawit.
Ang pang - angkop ng g ay ginagamit kapag ang unang kataga ay nagtatapos sa n. Ito man ay ikinakabit din sa unang kataga.
Mga Halimbawa:
- Ang mahinhing dalaga sa tapat ng kanilang bahay ay kanyang hinahangaan.
- Si Roger ay isang matampuhing binata ayon sa kanyang nobya.
- Ang pagputok ng Bulkang Taal ay isang makasaysayang pangyayari.
- Ang pelikulang anak ay makabuluhang panoorin.
- Ang madamdaming pagganap ni Vilma Santos ang nakapukaw sa lahat ng manonood.
Keywords: pang - ugnay, nagdudugtong sa panuring at tinuturingan
Halimbawa ng Pang - angkop: https://brainly.ph/question/110420
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.