Ang pagkakaroon ng kaalaman ng bawat isa sa lipunan ay nakapagdudulot ng mas matiwasay, mas maunlad at mas magandang lipunan. Kapag lahat ng tao ay may alam, malaki ang posibilidad na sila ay magkakaintindihan at magiging iisa ang hangarin nila sa lipunan kaya't magiging madali na lang gawin ang mga plano para sa ikabubuti nito. Sa kabilang banda, kapag hindi ginamit para sa mabuting layunin ang nalalalaman ng bawat isa ay paniguradong magiging problema ito sa lipunan.