Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Ang mga aral na makukuha sa kwento ng ang Kuba ng Notre Dame ay ang mga sumusunod:
- Huwag nating husgahan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao oo nga at may hindi kaaya ayang hitsura ang isang tao hindi nangangahulugan na pwede na natin silang pagtawanan at husgahan mga tao din sila na mayroong puso at damdamin na nasasaktan.
- Ang pagtanaw ng utang na loob sa isang tao, o mga taong tumulong sa iyo, ito ay isang aral din sa kwentong ito dahil inako ni Quasimodo ang kasalanan nagawa ng taong umampon sa kaniya kaya siya ang naparusahan.
- Huwag gamitin ang mga impluwensya o posisyon para sa mga masamang balak maghintay ka kung ano lang ang mga bagay na para lang talaga sa iyo, huwag mong ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman para talaga sa iyo, katulad nalang ng ginawa ni Frollo na gumamit pa ng itim na mahika para lamang mapasakanya si La Esmeralda.
- Huwag magdadalawang isip na tumulong sa iyong kapwa lalo na sa nangangailangan maging sa maliit o malaking bagay man ito, katulad nalang ng ginawang pagbibigay ng maiinom ni La Esmeralda kay Quasimodo ng ito ay pinaparusahan walang kahit isa na gustong tumulong dito, bagkus ito ay pinagtatawanan pa at hinuhusgahan siya lamang ang tanging lumapit dito upang ito ay maibsan ang uhaw at sakit na nararamdaman.
- Ang wagas na pagmamahal ng isang tao na handang iaalay ang buhay niya sa taong minamahal niya, ito ang ipinakita ni Quasimodo sa kwentong ito ang wagas na pag mamahal niya kay La Esmeralda.
Ang mga tauhan sa Kwentong ang Kuba ng Notre Dame na isinulat ni Victor Hugo.
- Quasimodo
- La Esmeralda
- Pierre Gringoire
- Claude Frollo
- Sister Guadalupe
- Phoebus
- Victor Hugo
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Buod ng kuba ng notre dame brainly.ph/question/200729
Bansang pinagmulan ang kuba ng notre dame brainly.ph/question/211801
Kulturang masasalamin sa ang kuba ng notre dame? brainly.ph/question/405356
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.