IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Gamit ng pandiwa bilang aksyon, karansan at pangyayari

Sagot :

Gamit ng Pandiwa at Mga Halimbawa

Kahulugan at Gamit ng Pandiwa

Ang pandiwa ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita tungkol sa kilos o galaw ng paksa o aktor gaya ng tao, bagay o hayop.Ang gamit ng pandiwa sa pangungusap ay bilang aksyon, karanasan o pangyayari.

Pandiwa bilang Aksyon

-aksyon ang gamit ng panidwa kung ang aktor o ang paksa ang tagaganap ng aksyon o kilos. Ang mga pandiwa dito ay nabubuo sa pamamagitan ng tulong ng mga panlaping -um, nag, mag-, ma-, mang-,maki-, mag-an.

Halimbawa ng Pandiwa bilang Aksyon

  1. Nagwawalis ng bakuran si Ben habang nakikinig ng mga awitin sa radyo.
  2. Kumakain si Mario nang dumating ang kanyang hindi inaasahang mga bisita.

Pandiwa Bilang Karanasan

-karanasan ang gamit ng pandiwa kapag nagpapahayag ng damdamin, emosyon o saloobin ang tagaranas sa pangungusap.

Halimbawa ng Pandiwa bilang Karanasan

  1. Nagagalak si Adonis sa mga matatamis na ngiti ng kanyang kaharap.
  2. Nabighani si Venus sa tindig at kisig ng kanyang nakasalubong sa daan.

Pandiwa bilang Pangyayari

-pangyayari ang gamit ng pandiwa kapag ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa ng Pandiwa bilang Pangyayari

  1. Namatay ang kabayo sa matinding uhaw at pagod sa bundok.          
  2. Nasaktan ang binata sa pangingialam ng kanyang ama sa kanyang desisyon.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Gamit ng pandiwa bilang aksyon pangyayari at karanasan

https://brainly.ph/question/127796

https://brainly.ph/question/129751

https://brainly.ph/question/127271

#BetterWithBrainly