Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

May isang mayamang matanda na may dalawang anak na lalaki.

Isang araw, kinausap ng bunsong anak ang ama upang hingin ang bahagi

ng kanyang mamanahin. Ibinigay naman ng ama ang nais ng bunsong

anak at umalis na ito sa kanilang lugar pagkatapos makuha ang kaniyang

mana. Pumunta sa malayong lugar ang anak na bunso at nilustay niya

ang lahat ng kaniyang kayamanan at pera sa mga bisyo. Nang maubos

ang kanyang kayamanan nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na

iyon. Siya ay namasukan at nagtrabaho sa isang babuyan. Wala siyang

makain kaya halos kainin na niya ang pagkain para sa mga baboy. Dahil

dito napag-isip-isip niya na bumalik sa kaniyang ama. Nasa malayo pa ay

natanaw na siya ng kaniyang ama. Patakbong sinalubong ng ama ang

bunsong anak, niyakap at tinanggap nang buong puso. Pinabihisan ng

pinakamagandang damit at pinasuotan ng singsing at sandalyas.

Ipinaghanda rin ito ng isang pagdiriwang dahil sa kaniyang pagbabalik.

Nang malaman ng panganay na anak ang ginawang pagtanggap muli ng

ama sa bunsong kapatid ay nagalit ito sapagkat ni minsan ay hindi siya

binigyan ng ama ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan

kasama ng kaniyang mga kaibigan. Ipinaliwanag ng ama sa kaniyang

panganay na anak kung bakit tinanggap niyang muli ang bunsong kapatid.

Sinabi nito sa kanya, “ang kapatid mo ay nawala ngunit muling natagpuan

kaya marapat lang na tayo ay magdiwang.” Ang pamilya ang

pinakamahalaga sa lahat. Huwag pairalin ang galit sa puso, magpatawad

at magmahalan dahil ito ang tunay na diwa ng isang mabuting samahan

lalo na sa isang pamilya.
1 Ano ang nais ng bunsong anak na gawin ng ama sa mana nilang

magkapatid?

2. Ano ang naging suliranin sa kuwento?

3. Paano tinanggap ng panganay na anak ang pagbabalik ng kapatid​

Sagot :

QUESTIONS:

1. Ano ang nais ng bunsong anak na gawin ng ama sa mana nilang magkapatid?

>>>> Ang nais nng bunsong anak ay ibigay na ng kanyang ama ang kanyang mamanahin.

2. Ano ang naging suliranin sa kuwento?

>>>> Ang suliranin sa kuwento ay ang paghihirap ng bunsong anak dahil sa kanyang paglustay sa kanyang kayamanan at pera.

3. Paano tinanggap ng panganay na anak ang pagbabalik ng kapatid?

>>>> Tinanggap niya ito nang may galit sa kanyang kapatid ngunit ipinaliwanag ng kanyang ama na ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat kaya huwag pairalin ang galit sa puso at dapat magpatawad at magmahalaan ang bawat isa.

#CarryOnLearning

mark me as brainliest please?