Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Sanaysay tungkol sa ekonomiya ng pilipinas saan papunta.​

Sagot :

Answer:

Unti-unti ng nakakamit ng Pilipinas ang kaunlarang inaasam asam nito. Dahil ang kaunlaran ay minsan lang kung ating matikman at waring pansamantala lamang, huwag nating hayaang mawala pa ito sa atin gayong abot-kamay na natin ito.

Hindi lingid sa ating kaalaman na umaangat na ang ating mga kahinaang Pilipino pagdating sa ekonomiya ng bansa. Tuluyan na ngang natutupad ang pinapangarap ng mga Pilipinong umunlad ang ekonomiya. Dahil na din yan sa pagkakaisa ng mga Pilipino at pamumuno ng mga nasa mataas na posisyon. Ayon nga sa medya, marami ng magagandang pagbabago sa ating bansa tulad ng pagtaas ng GDP at ang paglago ng ekonomiya. Patunay dito ang mga nagsisitayuang mga gusali, pabrika, at iba pang pasilidad na nakakapaglikha ng mga serbisyo at produktong nagpapataas sa ating ekonomiya. Idagdag mo pa ang parami ng parami na pagpapatayo ng negosyo maging ng pagpapagawa ng modernong mga transportasyon. Pati ang mga usapin sa pagluluwas at pag-aangkat ng mga produkto sa bansa kasama ang edukasyon at pagkakaroon ng trabaho ay nakakatulong sa paglago ng ekonomiya. Dahil dito, maaaring masolusyonan ang problema sa kahirapan.

Gayunpaman, inaasahan ng mamamayang Pilipino ang patuloy na pagtaas ng ekonomiya at lalo pang mapagbuti sa hinaharap upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Malaking bagay ang pagkukusang-loob sa pakikipagtulungan at pakikiisa upang patuloy nating maiangat ang ekonomiya ng bansa.