Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at unawain. Piliin ang ng
tamang sagot. Isulat sa inyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan ng pag-aalsa ng mga Filipino
laban sa mga Espnyol.
A. representasyon sa Spanish Cortes
B. sapilitang paggawa ng mga Filipino
C. mataas na pagbabayad ng buwis
D. malupit na pamamalakad ng mga prayle
2. Bakit armadong paraan ng pananakop ang ginamit ng mga Espanyol
upang kalabanin ang mga Igorot at Muslim?
A. Armadong pamamaraan din ang ginamit ng mga Igorot at Muslim sa
mga Espanyol
B. Armadong pamamaraan ang pinakaepektibo sa isinasagawang
pananakop ng Espanyol
C. Hindi nais ng mga Espanyol ang mapayapang paraan ng pananakop
D. Ipinapatupad nila ang patakarang divide and rule
3. Bakit mas katanggap-tanggap sa mga muslim ang mga sultanato sa
Mindanao kaysa kolonya ng mga Espanyol?
A. Higit na nakasanayan ng mga Muslim ang Sultanato kaysa kolonya
B. Hindi pananakop at walang puwersa sapag-sunod ang mga
Muslim sa kapangyarihan Ng Sultan
C. Nais nilang kilalanin ang kapangyarihan ng Hari ng mga Espanyol
D. Papalitan ng kakaibang relihiyon ang sultanato sa ilalim ng kolonya.
4. Ano ang pagbabagong naganap sa Sistema ng tranportasyon at komunikasyon noong
panahon ng Espanyol?
A. Itinatag ang organisasyon ng mga taxi driver
B. Hindi gaanong umunlad ang transportasyon at komunikasyon
C. Nanatili ang mga kariton, kalabaw at kabayo
D. Pinasimulan ang sasakyang tinawag na Tranvia
5. Alin sa mga pagbabagong kultural noong panahon ng Espanyol ang nananatili pa rin
sa kasalukuyan?
A. Karaniwang nagsusuot ng kimono ang kababaihan
B. Nagsusuot ng sapatos na may mataas na takong
C. Naglalagay ng make-up sa mukha ang mga babae
D. Marami sa mga babae ang nagsusuot ng pantalon​