IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

what is lapay and it's history?

Sagot :

Ang lapay o pankreas ay isang organong naglalabas ng mga hormona at mga ensima o ensaym upang makatulong sa dihestiyon o pagtunaw ng pagkain. Isa itong glandulang malapit sa tiyan. Naglalabas ito ng mga sustansiya sa pamamagitan ng mga selulang tinatawag na mga maliliit na pulo ni Langerhans (kilala sa Ingles bilang Islets of Langerhans).
Kasama ang lapay sa dalawang mga sistema ng tungkulin o punksiyon: una, sa sistemang panunaw dahil sa gampanin nito sa pagtunaw ng mga nutriyente; at pangalawa, sasistemang endokrina para sa tungkulin nito sa paggawa o produksiyon ng mga hormona. Sa ibang paggamit ng salita, minsan ring nagagamit na pantawag ang lapay (bagaman may kamalian) para sa pali o kaya sa kolon.