Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Answer:
Ang espiritwalidad,[1] (pagka-espirituwal[2]) ay tumutukoy sa sukdulan o imateryal (walang katawan o anyong materyal) na realidad;[3] isang panloob na daan na nagbibigay-daan sa mga tao na matuklasan ang katuturan o diwa ng kanilang pagkatao; o ang pinakamalalim na mga pagpapahalaga at mga kahulugan na ikinapamumuhay ng mga tao.[4] Ang mga gawaing pang-espiritu, kasama ang meditasyon, pagdarasal, at kontemplasyon, ay naglalayong makapagpaunlad ng panloob na pamumuhay ng isang tao; kalimitang nagdudulot ang ganyang mga gawain ng isang karanasan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa isang mas malaking katotohanan, na nagbubunga ng mas malaganap o mas komprehensibong sarili, sa ibang mga indibiduwal o sa pamayanan ng mga tao, sa kalikasan o sa kosmos, sa nasasakupan ng banal.[5] Kadalasang nararanasan ang espirituwalidad bilang isang pinagmumulan ng inspirasyon o oryentasyon sa buhay.[6] Lumalagom ito sa pananalig sa mga realidad na imateryal o mga karanasan ng nakahihigit na kalikasan ng daigdig.