IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

ano ang pagkakatulad ng kasabihan,salawikain at sawikain?

Sagot :

Ang pagkakatulad ng Kasabihan,Salawikain at Sawikain ay ang mga sumusunod:

  • Sila ay pare-parehas na uri ng ating panitikan.
  • Pare-parehas na nag mula pa sa ating mga ninuno,na naipamana sa sa atin.
  • Ang mga ito ay pare-parehas na matalinghaga.
  • Sila ay pare-parehas na kapupulutan mo ng aral.
  • Sila ay mga kasabihan na nakatutulong sa pang araw-araw nating buhay.
  • Pare-parehas na bahagi na ng ating kasaysayan.
  • Sila ay nabuo o nag mula sa sarili nating wika.

Ang kahulugan ng Kasabihan,Salawikain,Sawikain

  1. Kasabihan- ito ay ginagamit na pamumuna ng kilos o gawi ng ibang tao.ito ay mga aral din sa buhay na isinulat sa paraan na halos ginagamit natin na pang araw-araw na talakayan.Ito ay nagbibigay ng mabubuting aral at mga paalala sa atin.
  2. Salawikain- ito ay mga butil ng karunungan na hango sa karanasan ng matatanda.na karaniwang nasusulat sa paraang patula  na may sukat at tugma. Nagiging batayan ito ng magandang pag-uugali ng mga Pilipino.
  3. Sawikain – ito ay mga kasabihang walang natatagong kahuluganm o nakakubling pakahulugan.

Mga halimbawa ng Kasabihan

  • Kung ang bukambibig,siyang laman ng dibdib.
  • Walang mataimtim na birhen,sa matiyagang manalangin.
  • Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
  • Ang masipag sa buhay,ay umaani ng tagumpay.
  • Titingkad ang iyong kagandahan,kung Mabuti rin ang iyong kalooban.
  • Walang lihim ang hindi nabubunyag,walang katotohanan ang hindi nahahayag.
  • Ang isang batang matapat,ay pinagkakatiwalaan ng lahat.
  • Ang tunay na matapang,nag-iisip muna bago lumaban.
  • Ang isang anak na magalang,ay kayamanan ng isang magulang.
  • Ang kayamana na galing sa kasamaan,dulot ay kapahamakan.

Mga halimbawa ng Salawikain

  • Naghangad ng kagitna,isang salop ang nawala.
  • Ang hindi daw lumingon sa pinanggalingan,di makararating sa paroroonan.
  • Mahirap ka man o mayaman,pantay pantay din sa libingan.
  • Pag maikli ang kumot,magtiis kang mamaluktot.
  • Pag kahaba-haba man daw ng prusisyon,sa simbahan parin ang tuloy.
  • Ang puri at ang ating dangal,mas mahalaga kesa buhay.
  • Kahit saan mang gubat,ay mayroong ahas.
  • Kung ano daw ang puno, ay siya ring bunga.
  • Kapag may isinuksok,ay mayroong madudukot.
  • Ang bayani pag nasusugatan,ay lalong nag iibayo ang tapang.

Mga halimbawa ng Sawikain

  • Ang taong matiisin nakakamit ang mithiin.
  • Butas ang bulsa.
  • Balat kalabaw.
  • Makapal ang palad
  • Kutis labanos
  • Di maliparang uwak.
  • Bahag ang buntot
  • Nagbibilang ng poste
  • Bukal sa kalooban

Buksan para sa karagdagang kaalaman sa Kasabihan,Salawikain,Sawikain

https://brainly.ph/question/154780

https://brainly.ph/question/12284

https://brainly.ph/question/205549