Ang salitang Mesopotamia ay nangangahulugan na lupain sa gitna ng mga ilog. Ito ang lambak nng mga ilog ng Tigris at Euphrates na nabanggit ng Bibliya. Sa kasalukuyan, ang lugar na ito ay rehiyon ng pinagkukunan ng langis sa buong mundo. Noong sinaunang panahon, ang Mesopotamia ay mayroong mga dike at kanal na itinatag ng mga sinaunang tao na nanirahan dito. Ang mga dike at kanal na ito ang naging dahilan upang tawagin itong Fertile Crescent na nagpanatili sa mga unang taniman ng lungsod.