Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ang paniniwala ng pilipinas? Magbigay kahit ilan lamang.

Sagot :

Sa Kusina: Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari. Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto. Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata. Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan. Sa Kasal: Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila. Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin. Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan. Kapag may sumakabilang-buhay Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo. Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto. Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong – upang hindi sila guluhin ng namayapa. Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan. Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto