Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Kabilang sa mga saklaw nitong tema ay ang mga sumusunod:
Lokasyon - ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng iba't ibang lugar sa daigdig
Lugar- ito ay tumutukoy sa mga natatanging katangian ng isang pook.
Rehiyon- tumutukoy sa pagkakabuklud-buklod ng mga lugar sa daigdig na may magkaparehong katangiang pisikal at kultural
Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran- ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangian ng taglay ng isang pook.
Paggalaw - ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa isang lugar patungo sa iba.