Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

dalawang uri ng paghahambing

Sagot :

Ang pahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

a. Pahambing na Pasahol Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.

Halimbawa:

≡ Mas matalino si Jane kaysa kay Ghi, ang kanyang matalik na kaibigan.
≡ Ang pagkain na hinanda ni nanay ay higit na masustansya kaysa sa pagkain na hinanda ng nanay ni Robbie.

b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.

Halimbawa:

≡ Magsindami ang nakuha naming premyo ni Hannah.
≡ Ang magkapatid na Geri at Kate ay kapwa mabait kaya hindi na nakapagtataka kung bakit madami silang kaibigan.

--

:)