IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

bakit magkaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa?

Sagot :

Answer:

Pagkakaugnay ng Limang Tema ng Heograpiya sa Pag-aaral ng Katangiang Pisikal ng Bansa

Ang limang tema ng heograpiya ay may kaugnayan sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa sapagkat ang lokasyon, lugar, rehiyon, paggalaw at interaksyon ng tao sa kpligiran ay nakakaapekto sa pagbabago ng katangiang pisikal ng daigdig kaya ito ay magkakonekta at magkaugnay.

Heograpiya  

Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.

Dalawang Sangay ng Heograpiya

1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography)

Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pisikal

  • Klima
  • Heolohiya (Geology)
  • Biolohiya (Biology)  
  • Iba pang sangay ng agham-pangkalikasan.

2. Heograpiyang Pantao (Human Geography)

Ang heograpiyang pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.  

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pantao

  • Wika
  • Relihiyon,  
  • Lahi  
  • Pangkat-etniko
  • Medisina
  • Ekonomiya
  • Politika
  • Mga Lungsod
  • Populasyon
  • Kultura

Para sa karagdagan kaalaman, magtungo sa link na:  

Kahulugan ng Heograpiya: brainly.ph/question/59176, brainly.ph/question/337842  

Mga Bumubuo ng Heograpiya: brainly.ph/question/598425

#LearnWithBrainly