Ang Langgam at ang Lukton
1. Itong langgam na masipag
Araw-gabi'y nag-iimpok
Ng pagkaing sa tag-ula'y
Unti-unting madurukot.
2.Itong lukton ay masaya
Oras-oras umaawit
Nagsasayaw sa ligaya't
Ang pagkai'y di maiisip.
3.Isang araw ay natapos
Ang tag-araw na sagana
Itong langgam ay natulog
At ang lukton ay lumuha
4.Nagugutom , giniginaw
Ang lukton di-nagbahala
Sa panahong mawawalan
Ang daigdig ng biyaya.
5. "Ang payo kong babanggitin
Luktong tamad ay pakinggan
Sa tag-araw pag nag -aliw
Magugutom sa tag-ulan.