Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Ano-anong uri o pormat ng pakikipagdebate ang madalas gamitin lalo na ng mga baguhan sa larangang ito?

Sagot :

Answer:

Ang mock trial ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap bilang mga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na merong mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag-roleplay.

Ang impromptu debate ay isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa ibang klase ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng dalawang panig ay bibigyan ng limang minuto para magsalita. Pagkatapos magsalita ang isang miyembro ng isang pangkat, isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang proseso hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo.

Ang turncoat debate ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto.