IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Saan nagsimula ang kabihasnang Minoan?
Sa isla ng Crete sa silangan ng Mediterranean nagsimula ang sibilisasyon o kabihasnang Minoan simula noong 2000 BCE hanggang mga bandang 1500 BCE.
Sino sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan? Ang mga tirahan at libingan ng mga Minoan matatagpuan sa buong Crete pero may apat lamang na lugar kung saan makikita ang kanilang palasyo: Knossos, Phaistos, Malia, at Zakros. Ang mga tao sa paligid niyan ay ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan.
Sa bawat lugar na ito may mga kumplikadong mga istraktura ng palasyo at malalaki ang mga ito para maging sapat na lokal na administratibo, kalakalan, relihiyon, at sentrong pampulitika ng mga Minoan.
Sino si Haring Minos? Tinatayang naitaguyod ang sibilisasyon at kabihasnang Minoan ay para magbigay karangalan sa sinasabing naghari noon sa Crete a ito ay si Haring Minos.
Ano ang dahilan ng pag unlad ng kabuhayan Minoan? Malinaw na ang mga palasyo ng mga Minoan ay nagpakita ng kanilang klase at uri ng lokal na kontrol sa pagtitipon at sa imbakan ng mga sobrang materyales gaya ng mga alak, langis, butil, at mga mahalagang mga metal. Ang maliliit na bayan naman at ang kanilang mga bukid ay kumalat sa paligid ng teritoryo na kontrolado rin ng palasyo.
Ang kawalan ng portipikasyon o mga pader na border sa mga pamayanan ay nagpapahiwatig ng mapayapang pagkakasama’t pagkakaisa sa pagitan ng iba't ibang mga komunidad. At ang mga kalsada ng Minoan naman na mayroong mga ebidensya o katibayan na may mga guardhouse at watchtower ay nagpapahiwatig na ang pagnanakaw ay nangyayari at sa malamang ang mga may sala ay mga manlalakbay o dayuhan lang sa kanilang lugar.
Isa pang kasagutan dahil sa kung anu ang dahilan ng pag unlad ng kabuhayan ng mga Minoan: Dahil sa natatanging sining at arkitektura ng mga Minoan at dahil nagpakalat sila ng kanilang mga ideyang pang kaunlaran sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa iba pang mga kultura sa buong Aegean , sila ay nakalikha ng isang hindi makakalimutan at makabuluhang kontribusyon sa pag unlad ng Kanlurang Europa at ng sibilisasyon nito na kilala natin ngayon.
Ang ilang partikular na tampok at likha ng Minoan sa Crete ay ang mahiwagang labirintong tulad ng labyrinths na palasyo, pati ang mga matingkad na fresco sa lugar nila na silang naglalarawan ng mga kaganapan at eksenang kagaya ng paglukso ng toro at mga prusisyon, mga pinong gintong alahas at mga eleganteng mga bato na lalagyan ng mga bulaklak at halaman maging pati ang mga palayok na makulay na silang dekorasyon ng buhay sa dagat. Ang lahat ng mga ito ay umusbong at pinasimunuan ng mga Minoan.
Bakit nagwakas ang kabihasnang Minoan? Dahil sa mga Mycenaean kaya bumagsak at nagwakas ang sibilisasyon ng Minoan. Para mas maintindihan mo ang parte na ito, basahin ang link na ito para malaman kung saan umusbong ang kabihasnang Mycenaean:
Saan nagsimula ang kabihasnang mycenaean ?? Ang kabihasnang minoan kasi nagsimula sa crete . Saan naman ang mycenean - https://brainly.ph/question/417859
*****
Tingnan din! Narito ang mga link na may kaugnayan at maaari ring makatulong sa iyo:
Ano ang kahulugan ng Minoan - https://brainly.ph/question/210899
Ano ang kahulugan ng Kabihasnang Minoan - https://brainly.ph/question/460391
Ano ang kahulugan ng minoans? - https://brainly.ph/question/228564
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.