Ang mga lindol na volcanic ay mga lindol sa
sanhi ng pagsabog ng mga bulkan. Ang mga epekto nito
ay kadalasang nararamdaman lamang sa paligid ng
sumasabog na bulkan.
Ang mga lindol na tectonic ay nagaganap kapag
mayroong paggalaw sa ilalim ng mundo. Mas malawak
ang saklaw na apektadong lugar ng lidol na ito kaysa
lindol na volcanic.
Mauunawaan mo ito nang mabuti kung ating tatalakayin ang teorya ng plate
tectonics. Ang teoryang ito ay nagsasabi na binubuo ang lithosphere ng mundo ng mga
hiwalay na plate na patuloy ang paggalaw. Ang mga plates na ito, na tinatawag na
tectonic plates, ay tulad sa mga piraso ng jigsaw puzzle na tugma para sa isa’t isa.Nakaka-apekto ito sa mundo dahil sa paggalaw ng tectonic Plates