Ang kwentong bayan ay ang mga kwentong galing sa ating bayan.Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig-balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang, maligno, kapre, mga sirena at nuno sa punso.Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig.