Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan.[1] Ang kanon ng Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang doktrina.
Answer:
Dahil dito ang Kristiyanismo ay unang nakilala bilang isang sekta ng mga Hudyo na katulad ng mga Pariseo, Saduseo at mga Essenes.
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.