Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Panuto: Manood ng pelikula o makinig ng dulang Pilipino sa radyo. Sumulat ng
sanaysay na nagpapatunay na ang lingguwistika at kultural na ugnayan ay
nasasalamin sa mga pelikula at dulang Pilipino. Bumuo ka rin ng sariling palesa o
pamagat ng sanaysay. Gawin ito sa iyong sagutang papel (NOTE: Isang talala
lamang na binubuo ng 7-10 pangungusap )
Paksa​

Sagot :

Answer:

Ang pelikulang Pilipino ay isang mukha ng ating pagka-Pilipino kung saan nabibigyang buhay ang ating identidad. Laman nito ang mga kwentong sumasalamin sa realidad ng buhay ng mga Pilipino lalo na yaong mga pelikula ng Indi films kung saan itinatampok ang kwentong hango sa tunay na buhay ng mga Pilipino. At kung ating mapapansin, ito ang mga pelikulang binibigyang papuri sa mga parangalan lokal man o internasyonal. Dala dala ng mga pelikulang ito ang kulturang kumakatawan sa ating pagkatao kasama na ang wikang nagsisilbing isang simbolo ng ating pagka-Pilipino. Sa patuloy na pagarangkada ng mga pelikulang Pilipino, napapayabong nito ang ating kultura lalo na ang wikang Filipino, sapagkat ang mga pelikulang ito ay gumagamit ng wikang Filipino sa pagsasalaysay ng mga kwentong isinasabuhay sa pelikula lalo na sa pagpapalitan ng diyalogo ng mga karakter rito. Ang bawat linyang binibitwan ng mga karakter sa pelikula ay isa sa mga tumatatak sa mga manonood na siayng dahilan para mas mapaunlad ang sarili nating wika dahil nagiging sentro ito ng usapan ng masang Pilipino. Dagdag pa ang mga madadamdaming pahayag na naririnig sa mga pelikula na mas lalong nagpapakilala di lamang sa mismong palabas kundi pati na rin sa ating sariling wika. Bukod pa rito, hindi naman lingid sa atin na ang mga pelikula ay isang anyo ng panlibang at pangaliw sa mga tao lalo na para sa mga Pilipino na nakahiligan na ang mga ganitong uri ng palabas mapabata man o matanda, may kasintahan man o wala, pamilya man o barkada. Sa ganang ito, tunay ngang ang pelikula ay isang tulay upang mas lalong mapaunlad ang ating wika. Nangangahulugan lamang ito na gaano man katanyag ang mga pelikulang internasyonal , natatangi pa rin ang pelikulang Pilipino dahil sa malinaw na pagpapakita ng ating paglinang sa wika, kultura at identidad bilang mga Pilipino.

Explanation:

wc