IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Tayahin
A. Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbabago sa mga
sumusunod na sinaunang kaugalian ng mga Pilipino. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong kwaderno.
1. Ang kasal ay ginaganap sa bahay ng lalaki at idinadaos ng babaylan.
A. Binibigyan ng regalo ng mga magulang ng lalaki ang babae ng tatlong
beses bago idaos ang kasal.
B. Ginaganap sa simbahan o munisipyo ang kasal o sa kung saang disenteng
lugar na ninanais ng magkasintahan.
C. Sinusundo ng tagapamagitan ang babae upang ihatid sa bahay ng lalaki
para ikasal.
2. Ang mga katutubo ay sumasamba sa lahat ng bagay na pinaniniwalaan nilang
may espiritu.
A. Nasasalamin ang animismo sa mga pamahiin na nabuo ng mga katutubo.
B. Maraming mga Pilipino ngayon ang naniniwala sa animismo.
C. Mayroong dalawang pangunahing relihiyon sa Pilipinas at 86% ng mga
Pilipino ay Kristiyano.
3. Ang pagbabatik o pagtatato ng mga sinaunang kalalakihang Pilipino ay
sumisimbolo ng katapangan.
A. Kahit sino, lalaki man o babae ay nagpapatato sa kadahilanang ito ay
bahagi ng sining.
B. Tinawag na pintados ng mga Espanyol ang mga katutubong puno ng
tato ang katawan.
C. Ang pagpapatato ay para sa mga katutubong kalalakihan lamang.
B. Piliin ang BUNGA ng mga sumusunod na pangyayari. Isulat sa iyong kwaderno
ang titik ng tamang sagot.
4. Malaki ang naitutulong ng mga batas para mapanatili ang kapayapaan at
magandang relasyon ng mga barangay.
A. Patuloy na lumaganap ang krimen sa mga barangay.
B. Hindi pinahahalagahan ng mga tao ang mga batas na ipinapatupad.
C. Nagkaroon ng takot ang mga taong gumawa ng krimen, malaki man o maliit,
dahil ang bawat pagkakasala ay may karampatang parusang nakalaan.
5. Sa panahon ng pandemyang Covid19, halos lahat ng mga namamatay ay inililibing
sa pamamagitan ng cremation o pagsusunog.
A. Naiiwasan ang mahal na bayarin sa paglilibing.
B. Naiiwasang magkaroon ng pagtitipon sa lamay at pagkakataong mahawaan
ng virus.
C. Nagiging madali ang proseso ng paglilibing.

Tayahin A Piliin Ang Pangungusap Na Nagpapakita Ng Pagbabago Sa Mga Sumusunod Na Sinaunang Kaugalian Ng Mga Pilipino Isulat Ang Titik Ng Tamang Sagot Sa Iyong K class=