13. May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay niyo. Alin sa sumusunod ang dapat mong gaw
c. Sabihin sa iyong mga magulang.
a. Tingnan na lamang ang batang umiiyak
d. Bahala siya sa buhay niya
b. Hayaan na lamang ang bata
14. May nakasalubong kang matandang babae na maraming pasa sa mukha at hindi makalakad ng
maayos. Wala kang kasama. Ano ang gagawin mo para makatulong?
a. Humingi ng saklolo sa mga nakakasalubong ko
b. Wala akong balak na tulungan siya
c. Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad
d. Bakit ko ba poproblemahin hindi ko siya kamag-anak
15. Pinagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong kapitbahay.
dahil nahuli nila itong namitas ng bulaklak. Ano ang kailangan mong gawin para hindi magalit
ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?
a. Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam.
b. Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin.
c. Pagsasabihan ko na Huwag nalang intindihin ang kapitbahay
d. Ayokong makialam,problema nila yun.
16. Nakita mong nahulog ng iyong kaklase ang kanyang pitaka, ano ang dapat mong gawin?
a. Tingnan muna ang laman ng pitaka, kung ito ay may laman kumuha ng kaunti at ibalik ito sa may-ari
b. Magkunwaring hindi mo ito nakita
c. Ibalik ito kaagad sa may-ari.
d. Kung ito ay may laman na pera kunin ito at ipambili ng kahit ano, at itapon na ang
pitaka sa basurahan.
17. Lumiban ang iyong kaklase dahil siya ay nilalagnat. Nagpapahiram siya sa iyo ng inyong
kwaderno, ano ang dapat mong gawin?
a. Ipahiram ito sa kaklase
b. Sabihing nawala ang iyong kwaderno
c. Magkunwaring lumiban ka din sa klase
d. Magkunwari kang walang narinig
18. Hindi sinasadyang nabasag ni Lina ang plorera ng kanyang guro, kaagad niya itong inamin na siya
ang nakabasag ng plorera. Si Lina ay isang batang
a. Iyakin b.Mayabang c.Sinungaling d. Matapat o nagsasabi ng totoo
19. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagsasabi ng kapintasan ng iyong kaibigan?
a. Sabihin sa iba ang kapintasan ng kaibigan.
b.Pintasin ang kaibigan dahil sa kanyang kapintasan
c. Ipagkalat ang kanyang kapintasan
d. Sabihin ito nang maayos o sa magandang paraan sa kaibigan.
_20. May kaibigan ka may kapintasan na siya ay medyo nag-iiba ng amoy, ano ang dapat mong gawin
bilang kaibigan?
a. Sabihin ng maayos na medyo nag-iiba na ang kanyang amoy at kailangan na niyang
gumamit ng
deodorant
b. Iwasan ang kaibigan
c. Pagtawanan ang kaibigan
d. Ipagkalat ang kapintasan ng kaibigan sa iba
21. Alam mong nagtong-its ang mga kabataan sa isang liblib na lugar ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ko sa aming Barangay
b. Isusumbong ko sa iba pang mga grupo upang mag-away
c. Hindi ko ito pakikialaman upang hindi ako madamay.
d. Makikisali upang matuto ako sa paglalaro at ituro ko sa aking mga kaklase.
22. Narinig mo ang iyong kapitbahay na nag-aaway dahil sa pag-inom ng alak. Batid mong hindi
maganda ang susunod na pangyayari kapag nagpatuloy pa ito.
a. Tatawag ako sa aming kapitbahay upang lalo pa silang mag-away
b. Tatawag ako sa Barangay upang masolusyunan ito kaagad.
c. Tatawag ako ng Media upang mapag usapan ito sa buong barangay.
d. Tatawag ako ng iba pang kapitbahay upang ikuwento sila.
23. Nahuli mo si Rodrigo na kinukuha niya ang mga bote ng softdrinks na nasa tindahan ni Aling
Landa at binebenta niya ang mga ito sa Junk Shop nina Mang Berto. Anong gagawin mo?
a. Isusumbong ko ito kina Aling Landa at Mang Berto
b. Sasabihan ko si Rodrigo na bigyan ako ng balato.
c. Hindi ko isusumbong baka masaktan pa ako.
d. Isusumbong ko upang Makahingi ng pabuya