Mahirap sabihin ang kalagayan ng bansang tulad ng Pilipinas, ito ay dahil maraming parte ang ating bansa at madalas hindi magkaparehas ang bigat ng balita na nakakalap mula sa mga parteng ito. Halimbawa, masama ang kalagayan ng traffic sa Maynila, at maraming tao ay nababahala nito. Ngunit kung titignan naman ang Marawi, makikitang di hamak na mas masama ang kalagayan sa lugar na iyon dahil sa patuloy na bakbakan ng AFP at mga rebelde. Subalit hindi rin naman lang masasabi na masama ang kalagayan dahil sa nangyayari sa Mindanao. Nasa sariling tao na siguro ang pagsabi kung mabuti man o masama ang kalagayan ng bansa.