Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

ano ang parirala at mga halimbawa nito

Sagot :

Kahulugan at Halimbawa ng Parirala

Ang lipon o grupo ng mga salita na hindi nagsasaad ng isang buong diwa ay tinatawag na parirala. Ito ay nagsisimula sa maliit na tiktik at hindi gumagamit ng bantas. Ito ang bumubuo sa pangungusap. Narito ang ilang halimbawa:

  • sa Linggo
  • malapit ng dumating
  • nagluto ng adobo
  • si Roger
  • namasyal sa parke
  • ang pamilya

Karagdagang halimbawa ng parirala:

https://brainly.ph/question/753594

Ano ang pangungusap?

Ang lipon o grupo ng mga salita na nagsasaad naman ng isang buong diwa ay tinatawag na pangungusap. Bukod sa may buo itong diwa, ito ay kaiba sa parirala dahil nagsisimula ito sa malaking titik. Gumagamit din ito ng bantas sa dulo nito. Ito ay maaaring pasalaysay, patanong, pautos o padamdam. Narito ang ilang halimbawa:

  • Darating sina Karina at Lesley sa Linggo.
  • Malapit ng dumating ang binili naming pagkain.
  • Nagluto ng adobo si nanay para sa aking mga kaibigan.
  • Si Roger ay isa sa mga magaling na manlalaro.
  • Maraming tao ang namasyal sa parke noong nakaraang Sabado.

#LearnWithBrainly