IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Ano ang Layunin ni rizal sa pagsulat ng noli you tangere?

Sagot :

Ano ang Layunin ni rizal sa pagsulat ng noli you tangere?

  • Ang akdang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal ay nobelang panlipunang nagsiwalat sa mga kanser o sakit ng lipunang kumikitil sa buto’t laman ng ating bansa noon at ngayon. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong binabasa at pinag-aaralan sa mataas na paaralan;
  •  patuloy nitong sinasalamin ang mga suliranin o problemang paulit-ulit na lamang nangyayari batay sa mga balitang naririnig, nababasa, o napapanood.
  • Mapukaw ng nobela ang makabayang damdaming likas sa bawat Pilipino. Upang maipadama ito, gumamit ang nobelista ng mga kontekstwal na pahiwatig upang mas madama ang bigat at lalim ng tinatalakay ng nobela. Maraming kontekstwal na pahiwatig na makikita sa nobela. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng ibang kahulugan ayon sa pagkakagamit nito sa sitwasyon o konteksto.
  • Ang Noli Me Tangere ay naisulat ni Dr. Jose Rizal dahil sa udyok ng damdaming makabansa. Sa kaniyang nobela ay gumamit siya ng mga salitang masisining kung kaya't kinakailangang gamitan ng kontekstong pagpapakahulugan at konotasyon upang matukoy ang tunay na mensahe ng bawat kabanata ng nobela
  • •Pigilan ang mga espanyol sa pang-aapi sa mga pilipino

Ayun sa sulat ni Rizal kay Blumentrit ito ang kanyang nais maisiwalat sa kanyang pagsulat ng Noli Me Tangere

1. Matugunan ang mga ipinaparatang ng mga kastila gayundin ang kanilang paninirang puri.

2. Upang maisiwalat ang kalagayang panlipunan ng mga tao noong panahong iyon kabilang na ang uri ng pamumuhay ng mga tao noon, kawalang pag-asa, maiulat ang kanilang damdamin o adhikain, karaingan at kalungkutan.

3. Gusto din ni Rizal Iparating na ang relihiyon ang ginawang sangkalan o dahilan ng mga Espanyol sa paggawa nila ng masama.

4. Gusto din ni Rizal na mailantad ang mga kamalian, karingalan ng pamahalaan, kapintasan at kahirapan  sa buhay ng mga Pilipino noon.

Ang layunin ng Noli Me tangere:

brainly.ph/question/1268814

brainly.ph/question/1364897

brainly.ph/question/515049