IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano po ba ang ibig sabihin ng ligalig

Sagot :

SUBJECT: FILIPINO

LIGALIG

Answer:  

  • Ang ligalig ay kasingkahulugan ng awayan, pagkasira, basag-ulo, pagkakagulo, balisa, bagabag, gusot, pagkabagabag, pagkahilahil, kaabalahan, pagkaabala, daulat, aligutgot. Ang salitang ligalig ay isang uri ng panggalan. Ito ay nararanasan ng isang tao, lugar , hayop o bagay.  

Ang mga sumusunod ay mga pangungusap na ginagamit ang ligalig

1. Ang bansa ay napuno ng ligalig nang sumiklab ang digmaan.  

2. Ang batang lalaking iyon ay isang ligalig para sa kaniyang guro.  

3. Ang pahayag na may digma ay isang ligalig sa buong bansa.

4. Ligalig ang kaniyang isip dahil sa daming mga proyekto na kanila ipapasa sa kanilang guro.  

5. Ang mga pirate ay nagligalig sa mga nayon sa baybay dagat.  

6. Niligalig ako ng aking mga pamangkin sa aking trabaho, sila ay naglalaro ay maingay sa aking harapan.  

7. Si Jose ay niligalig ng pagnanasang  itago na ang salaping napulot niya at ng kaalamang dapat niyang isauli iyon.  

8. Huwag kang maligalig sa paghahanda ng pagkain ng mga bisita.  

9. Huwag kang maligalig sa iyong mga kamalian.  

10. Hindi ko naiintindihan ang suliraning ito, ako ay naliligalig.  

11. Pagkaligalig ang natamo ng mamamayang Pilipino dahil sa mga nangyayari sa buong mundo.  

12. Ligalig ang kaniyang isip dahil malayo ang kaniyang asawa at nagtratrabaho ito sa isang lungsod kung saan maraming sakit ang kumakalat.  

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, BUKSAN ANG LINK NA NASA IBABA;  

brainly.ph/question/2601496

brainly.ph/question/67616

brainly.ph/question/2601496

#LearnWithBrainly