IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Ano ang ibig sabihin ng salitang iminungkahi

Sagot :

Ibig Sabihin Ng Iminungkahi

Ang salitang iminungkahi ay may salitang ugat na mungkahi. Ang ibig sabihin nito ay ang pagbibigay ng panukala o plano tungkol sa isang paksa. Ito ang pagbabahagi ng isang kaisipan o konsepto na naaayon sa paniniwala ng tao. Ang pagbibigay ng mungkahi ay naaayon sa ikabubuti ng isang bagay. Sa Ingles, ito'y suggested o proposed.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin sa ilang pangungusap ang salitang iminungkahi para mas maintindihan ito. Narito ang mga halimbawa:

  • Iminungkahi ng mga tao na magkaroon ng ilaw sa bawat kanto ng kalsada dahil napakadilim kung gabi.

  • Marami ang natuwa sa iminungkahi ni Mayor na lahat ay dapat makatatanggap ng pinansyal na tulong mula sa gobyerno bunsod ng pandemya, mahirap man o mayaman.

  • Iminungkahi ng mga magulang ang proyekto tungkol sa pagkakaroon ng CR sa bawat silid-aralan upang maiwasan ang paglalabas ng mga bata.

Kahulugan ng panukala:

https://brainly.ph/question/297778

#LearnWithBrainly