Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Anong lugar sa bansa ang malamig na klima?

Sagot :

Sa Pilipinas ang Tagaytay at Baguio ang dalawang lugar na may malamig na klima. Ang mga ito ay kilalang lugar pang-turismo sa ating bansa. Ang Baguio ang Summer Capital ng Pilipinas at pumapangalawa naman ang Tagaytay.

Kaalaman tungkol sa Tagaytay

Ang Tagaytay ay isang lungsod sa lalawigan ng Cavite  na tinuturing na 2nd Summer Capital ng Pilipinas. Ang salitang Tagaytay ay hango sa "taga",is to cut, ang "itay" ay father, isang kwento sa dalawang mag-ama na nakakita ng baboy ramo. Ito ay may lawak na 66.1 km2 (26 sq mi). Nasa banda ng katimugang Cavite, Silangan ng Alfonso, Timog ng Silang, Kanlurang ng Calamba sa Laguna at Hilaga ng Talisay sa Batangas. Ang Tagaytay ay ang pinaka mataas at mabundok na lungsod ng Cavite. May layo itong 59 kilometro o 37 milya sa Maynila. Malamig sa lugar na ito tuwing buwan nang of Disyembre, Enero, Pebrero at maging ang Mayo.

Kaalaman tungkol sa Baguio

Ang Baguio ay kilala bilang Summer Capital of the Philippines dahil sa katamtamang klima nito.  Matatagpuan ito sa bandang Hilagang Luzon ng bansa. Ito ay ang punong lungsod ng Cordillera Administrative Region. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Ilan sa mga kilalang pasyalan sa Baguio ay ang The Mansion, Camp John Hay, Baguio Botanical Garden, Lion's Head, Burnham Park at marami pang iba.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa mga link na ito:

Ano ang tawag sa mga nakatira sa Baguio?:https://brainly.ph/question/2194078,

Bakit ipinagmamalaki ang tagaytay?:https://brainly.ph/question/2268519

#LetsStudy