Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Ano ang wastong gamit ng pandiwa?

Sagot :

Mga Wastong Gamit ng Pandiwa 
1.putulin-pagputol ng isang bagay.
halimbawa: Huwag nating putulin ang mga puno sa paligid.
2.putulan-pagputol ng isang bagay sa tao, hayop at bagay.
halimbawa: Cynthia, putulan mo naman ng mga tuyong sanga ang ating bougainvillea.
3. walisin- bagay ang winahwalis.
halimbawa: Walisin mo ang mga nakakalat na papel sa sahig.
4.walisan-lugar ang winawalisan.
halimbawa: Walisan mo ang sahig. Maraming pira-pirasong papel ang nakakalat.
5.tawagin-ginagamit para palapitin ang isang tao o hayop.
halimbawa: Tawagin mo na si Connie, kakain na.
6.tawagan- ginagamit para kausapin o bigyan-pansin ang isang tao.
halimbalwa: Nilo, tawagan mo si Dan para malaman natin kung sasama siya.
7.bilhin- bagay ang binibili.Tinatanggap din ang bilihin.
halimbawa: Ang damit bang ito ay gusto mong bilhin?
8.bilhan- tao ang binibilhan.Tinatanggap din ang bilihan.