IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
El Filibusterismo:
Kabanata 26: Mga Paskil
Buod:
Maagang gumising si Basilio para asikasuhin ang kanyang lisensya upang maging ganap ng isang doktor. Plano niyang humiram ng pera sa kamag – aral niyang si Macaraig para dito pero bago tumungo sa paaralan ay dumalaw muna siya sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng mga may sakit doon. Sa kanyang pagdating sa paaralan ay mayroong kaguluhan bunga ng mga paskil na nakakalat sa loob ng paaralan na nagsasaad ng paghihimagsik laban sa mga prayle. Isang gurong malapit sa kanya ang nagtanong kung siya ba ay kabilang sa piging ng mga mag – aaral. Nang sinabi niya na hindi ay pinayuhan niya ang mag – aaral na sirain ang lahat ng ebidensya na magsasangkot sa kanya sa kapisanan.
Naalala ng binata si Simoun. Iniisip niyang may kinalaman ito sa mga paskil na natagpuan sa loob ng unibersidad. Dinakip ang lahat ng mga mag – aaral na inakusahang kasama sa pagkilos laban sa mga prayle. Kabilang dito sina Basilio, Macaraig, Isagani, at Juanito Pelaez. Laking pagtataka ni Macaraig sapagkat si Basilio ay hindi nila kasama sa piging at walang anumang kinalaman sa mga paskil ngunit ang pagkakadakip kay Basilio ay bahagya niyang ikinatuwa sapagkat sa pagkakataong iyon siya ay kanilang makakasama nga lamang ay sa loob ng piitan. Sa sasakyan ay binanggit ni Basilio ang kanyang pakay sa pagtungo sa paaralan. Tumugon naman si Macaraig at nangakong tutulungan si Basilio kapag sila ay nakalabas na mula sa piitan.
Si Basilio: https://brainly.ph/question/2121669
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.