Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]
Explanation:
yan na po yung sagot
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.