Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

III. Panuto: Alamin kung ang sumusunod ay opinion o katotohanan. Lagyan ng tsek ang tamang kahon.

O
K
1. May iba’t-ibang Mode of Delivery ang naipatupad ngayong New Normal of Education. Kabilang ang Modular Distance Learning, Online Distance Learning at iba pa.
O
K
2. Lahat ng mag-aaral sa taong ito ay inaasahang magkaroon ng sariling kagamitan para makasabay sa New Normal.
O
K
3. Gaya ng iba pang frontliner, maituturing din na tunay na bayani ang mga guro ngayong panahon ng pandemya.
O
K
4. Dipende sa sistema ng edukasyon, katayuan sa buhay, kakayanan ng mga nagtuturo, kapasidad at maging kalusugan ng mga estudyante kung magiging positibo ang resulta ng kanilang pag-aaral.
O
K
5. Ang Online Learning ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng dibisyon sa pagitan ng mga mahihirap at ng mga may sapat na pera para matustusan ang mga kagamitang kailangan upang
makasabay sa bagong normal nap ag-aaral.
O
K
6. Ginagamit na rin ng DepEd ang telebisyon at radyo bilang karagdagang paraan para sa tinatawag na Blended Learning Approach.
O
K
7. Ang mga mag-aaral na walang kakayanang magkaroon ng kagamitan tulad ng laptop, cellphone at iba pa ay inabisuhang huminto na lamang sa pag-aaral.
O
K
8. Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mag-aaral, minabuti ng Kagawaran ng Edukasyon na ipatupad ang Bagong Normal ng Edukasyon.
O
K
9. Sa ayaw man o sa gusto ng mga titser, magulang, estudyante at mga opisyales ng kagawaran ng Edukasyon, mas madalas na magiging pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang
Online Learning na dati’y madalang gamitin.
O
K
10. Ang Online Learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at mag-haharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan ng palitan ng kuro-kuro.