IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang pulisya, ospital,kagamitang pantransportasyon, malalaking planta ay mga halimbawa ng yamang-pisikal.
Explanation:
Ang yamang-pisikal ay ang mga kagamitang lumilikha ng produkto,mga gawaing pangkomersiyo at pamumuhunan. Ito ay mauugnay sa dalawa ang panlipunang tanggapan at makinarya. Dahil sa mga tao, nagkaroon ng yamang-pisikal. Kaya napakahalaga ng mga tao dahil kung walang tao, wala ring gagamit o makakaimbento ng yamang-pisikal. May kasabihan din na ang pangangailangan ay ina ng lahat ng mga imbensiyon. Ibig sabihin, dahil din sa pangangailangan kung bakit natuto ang mga tao umimbento o mag-imbento. May tinatawag naman na pagkonsumong kalakal. Ibig sabihin ay ito ang pinaka-sukdulang gamit ng isang bagay. Halimbawa ay ang upuan, maiba man ang estraktura noon, mapa-plastik man o bakal, upuan pa din iyon. Isa pa ay ang libro. Mapa-papel man o nasa mga gadgets yan, libro pa rin yan. Sa yamang-pisikal, ikaw ang namumuhunan. Nakakaranas din ng depresasyon ang isang kagamitan. Ibig sabihin, balang araw mawawalan din ito ng kwenta. Halimbawa ay kotse. Ang kotse ay madaling magbaba ng presyo dahil ito ay naluluma din. Sa ating bansa, magaling tayo sa manufacturing. Kahit ito ay gawa ng ibang bansa, ang Pilipinas ang nag aayos nito (nag-aassemble). Kulang lang ang ating bansa sa paglikha ng ibang mga kagamitan dahil karamihan ngayon na magagaling mag-imbento ay lumilipad na ng ibang bansa upang doon lumikha dahil mas na-aaprubahan agad doon at mas lumalago agad sa ibang bansa.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.