IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Qur'an
Explanation:
Ito ang banal na kasulatan ng mga Islam.
Answer:
Ang paniniwala sa mga banal na kasulatan na kung saan ay inihayag ng Diyos ay ang ikatlong artikulo ng pananampalatayang Islam.
Maaari nating matukoy ang apat na pangunahing dahilan sa pagpapahayag ng mga banal na kasulatan:
(1) Ang banal na kasulatan na inihayag sa propeta ay isang punto ng batayan upang matutunan ang relihiyon at mga obligasyon sa Diyos at sa kapwa tao. Inihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili at ipinaliliwanag ang layunin ng paglikha sa tao sa pamamagitan ng mga inihayag na kasulatan.
(2) Sa pamamagitan nang pagbabatay dito, ang mga hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba sa pagitan ng mga tagasunod nito sa mga bagay na patungkol sa relihiyosong mga paniniwala at kagawian nito, o sa mga bagay patungkol sa kagawiang panlipunan ay maaaring maisaayos.
(3) Ang mga banal na kasulatan ay nilayon upang panatilihing ligtas ang relihiyon mula sa katiwalian at pagkasira, sa mga ilang sandali matapos mamatay ng mga propeta. Sa kasalukuyang panahon, ang Quran na inihayag sa ating Propeta na si Muhammad, nawa’y ang habag at biyaya ng Panginoon ay mapasakanya, ang yaong banal na kasulatan na lamang ang natitirang ligtas mula sa katiwalian.
(4) Ito ay katibayan ng Diyos laban sa sangkatauhan. Hindi sila pinahihintulutang sumalungat o lumabag dito.
Ang isang Muslim ay matibay niyang pinaniniwalaan na ang mga sagradong inihayag na mga Aklat ay sa katunayan inihayag nang Pinaka Mahabaging Diyos sa Kanyang mga propeta upang gabayan ang mga tao. Ang Quran ay hindi lamang ang tanging bigkas na Salita ng Diyos, subali’t ang Diyos ay nakipag-usap din sa mga propeta bago pa kay Propeta Muhammad
Sana MAKATULONG
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!