IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Answer:
Ang ating nanay ang naging instrumento ng Diyos upang tayo ay maisilang sa mundo.
Ang mga ina/nanay/inay ang nagsisilbing "ilaw ng tahanan" na magiging tagapag-alaga at taga-aruga sa mga anak, siya ang responsable sa mga gawaing bahay. Napakalaking bahagi ang ginagampanan ng ating mga ina sa ating buhay. Sila ang nagdala sa atin ng siyam na buwan sa kanilang sinapupunan at nagluwal sa atin upang maging isang ganap na tao. Siya din ang dahilan kung bakit mo nasilayan ang kagandahan ng mundo. Utang na loob natin sa ating mga ina ang ating buhay dahil sila ang kumalinga, nag-arunga at nag-alaga sa atin habang tayo ay lumalaki at handang ibigay at tugunan ang lahat ng ating mga pangangailangan hanggang sa makakaya nila.
Ang ating mga nanay ang kauna-unahag umiintindi, nagpapaalala at nagtuturo sa atin ng mga kabutihang asal. Sila ang nagbibigay proteksyon sa atin sa masama at gagawin nila mapalaki lang nila tayo ng maayos at maitaguyod ang ating buhay upang magkaroon tayo ng maayos at magandang kinabukasan. Ang pagmamahal niya sa kanyng anak ay hindi matatawaran at hindi matutumbasan.
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:
brainly.ph/question/2657180
#LetsStudy